Siyete Ng Presidente

Kamusta mga kapatid? Tahimik sa ating grupo. Mukhang lahat ay busy sa trabaho or busy sa Facebook. Ganun pa man, sana lahat ay ligtas at nasa maayos na lagay.

Malapit na ang summer. Balita ko ay napakainit na raw diyan sa Pilipinas at may krisis ng tubig. Pagdasal natin na sana ay madagdagan ang tubig diyan sa atin. Kung papaano gagawin ni Lord yun eh hindi ko alam. Everything is possible naman sa Kanya. Magpatuloy na lang tayong magdasal at magtiwala tayo.

HAROLD’S DAUGHTER

Napadala ko na ‘yung pera na nakolekta para sa anak ni Harold. Umabot din na $410. Baka madagdagan pa dahil mag papahabol pa raw si Kookie. Sana, kahit sa maliit na paraan, ay makatulong hetong konting tulong ng grupo para sa anak ni Harold.

Salamat sa lahat ng nagbigay. Huwag sana kayong magsasawa.’

EARTHQUAKE

Nung January ay may malaking earthquake na naganap sa Haiti. Kahapon (February 26) ay sa Japan naman. Kanina ay may mas malaking earthquake sa Chile. Nagbabala ng tsunami warning para sa ibang bansa lalong lalo na sa Hawaii. Sa kasalukuyan, habang sinusulat ko ito, wala pa sa Hawaii ang tsunami. Mga tatlong oras pa bago ito mag hit. Nawa’y hindi ito magbigay pinsala sa ating mga kapatid na nasa Hawaii, lalong lalo na kay pareng Joy Sol.

Napapadalas ang lindol. Wala akong alam sa mga ganitong bagay pero natural lang sigurong isipin na pag may gumalaw sa ilalim ng lupa sa isang lugar, merong pang ibang lugar na maapektuhan. Sana wala nang mangyaring ganitong sakuna. Sana di na madagdagan ang sakunang ito. Pero, para na rin maiwasan ang mas malaking sakuna, maging handa sana tayo. Turuan natin an gating mga mahal sa buhay, lalo na ang mga bata, ng tamang gagawin kung sakaling magkalindol.

Bukod sa lahat, magdasal tayo na bantayan tayo ng Diyos sa mga ganitong pangyayari.  Yun lang naman talaga ang makakatulong sa’tin.

SUMMER

May nag suggest sa’kin dati na baka gusto raw ng grupo na mag outing hetong darating na summer. Magandang idea ito para lalong maging close ang tropa. Hindi lang ito pang tropa kundi para na rin sa mga pamilya ng tropa. Hindi naman kelangan na beach or resort. Puwede rin namang picnic or barbeque sa isang lugar. Pampamilya kumbaga.

Kakausapin ko ang ilang tao at baka puwedeng sila ang mag asikaso. Kung sakaling matuloy, sana ay madami ang makarating lalo na dun sa mga bihirang makapunta dahil sa madaming inaasikaso.

Ingat kayong lahat. God bless and enjoy reading the newsletter.

About the Author