Ang Siyete ng Presidente

HOMECOMING

Unang una, salamat sa mga nagdala ng pagkain at inumin nuong January 23 sa DBTC homecoming. Balita ko ay madami raw nagdala at sobra so-bra yung pagkain at inumin. Sa sobrang dami nga eh kinailangang umi-nom ng Vice Junie (na matagal nang di umiinom) para lang maubos ang alcohol. Hehe! Salamat din sa pinadala ni Kuyang lechon, na pang tang-gal ng wrinkles at talagang pampabata. Mukhang ang sarap sarap sa pic-ture pa lang. Thanks Win for the pancit; Junie for contingency measures; Jancy for tilapia; Melvin for the bbq; Jun Guerra for the spaghetti; Ghie, Dish, Harold Tapan, Emerson for the drinks (per Arvino’s E-mail).

Salamat sa mga dumalo, lalo na yung mga bago. Sana ay nag enjoy kayo. Sana ay maulit ulit ang inyong pagdalo ng mga happenings. Salamat sa mga nagdala ng camera para makunan ang event, lalo na sa bagong idol ni Jowee na si Harold at ang kanyang maybahay. Salamat din kay Jowee at Jancy sa mga pictures nila. Di ko nga lang alam kung si Jancy ang nag-ing official photographer nung mga dancers, ang daming pictures nung dancers eh. Kada pictures nung mga dancers ay nandun yung tatlong malulupet, si Bob, Guerra at si Jancy mismo.

Hopefully, nag enjoy ang lahat at hopefully ay mas malupet ang celebration pag tayo na ang host. (Di ko lang nga alam kung paano tayo kukuha ng pera. Mukhang di gumagana yung money making scheme sana natin. Buti na lang at mejo matagal pa yun at madami pang ideas na lalabas di-yan. Lalo na ngayong inaasikaso na ni Baste filing sa SEC.) Sana rin, pag tayo ang host, ay sana mejo mas elegante at pulido ang dating. I watched the whole event online maliban lang sa mga panahong napapa-idlip ako. I missed Jun Guerra on the stage. Ngayon lang ako nakapanood ng halos buo ng homecoming celebration. (I think Kooks and Ronnee watched it online too.) Masaya at nakakainggit. Meron mga time na parang nata-taranta yung mga hosts, pero all in all ay masaya. Meron ding mga part na parang awkward ung mga joke, lalo na nung si Ariel and Maverick ang

nasa stage. Mejo may pagkabastos, lalo na nung tungkol sa pari ang pinag uusapan. I don’t think that’s necessary para mapatawa ang mga tao. Sana pag tayo na ang host eh maiwasan ang mga ganung pangyayari. Ang gagaling din ng mga performers nila. Yung huling banda na kumanta, ang saya at ang gagalin nila. Alam nila kung anong music ang trip ng mga tao. Nakuha nila kiliti ng mga Bosconians. At si-yempre si Pauleen at si Daiana, magaan sa mata panoorin. Hehe! Si Bob nga eh natataranta sa pagkuha sa harapan ng stage.

All in all, sana natuwa ang mga dumalo at sana wag kayong magsawa sa mga gatherings ng batch. Kahit mejo konti ang dumalo eh masaya pa rin.

HELP FOR HAROLD ARQUIZA

Sa mga di masyado nagbabasa ng mga E-mails sa Yahoo Group, Harold has asked the group’s help para sa anak niya na may scoliosis. Di pa natin alam kung kelangang operahan. Sana ay hindi na. Sinuggest natin na humingi siya ng tulong or kahit second opinion man lang kay Doc Nilo Paner.

I have asked people here in the US na kung puwedeng magbigay ng kahit magkanong contribution. Tulad ng dati, walang sapilitan. Ngayon pa man ay nagpapasalamat na ako sa mga nagpledge at mga magbibigay. Si Lord na ang bahalang magsukli sa inyo. Maliban sa financial, tulungan din natin si Harold na magdasal para tuluyang maging madali para sa kanila ang pinagdaraanan nila ngayon.

JUN MATEO’S DAD

Ipagdasal rin natin ang Daddy ni Jun na nastroke. Sana ay makarecover siya nang mabilisan.

MISCELLANEOUS

Advance Happy Valentine’s day sa lahat. Nawa’y, sa araw na iyon, si maybahay ang kasama niyo at hindi si maycondo. Haha!

Happy Birthday sa lahat ng February celebrants!

Enjoy this issue of the newsletter!

About the Author