Message From the Chairman

Bradirs! Para sa mga nahuhuli sa biyahe, oo, totoo naririnig niyo. Hindi na tayo identified through our high school sections, kundi iisa na tayo. At ang samahang ito ay tila nilagpasan pa ang mga unang akala ng iilan na walang kahihinatnan. Sa halip e lalo pang lumalagkit ang samahan. Kaya ngayon hindi na natin tinatawag na batchmate o classmate ang isat-isa kundi bradirs. Puwede ring kabusko, pero ireserve na natin yun sa mga other bosconians.

Magcecelebrate na tayo ng ating anniversary sa July 27, kasi 4 years ago ng masimulan ang samahan na ito dahil sa e-group na ito. Sa loob ng apat na taon, hindi lang tayo nag-good time, nagsilbi rin tayo sa kapwa bilang pagtupad sa mga adhikain at naituro sa atin ng mahal nating patron at alma mater, St. John Bosco.

Masaya ako sa mga nangyayari, kumpara sa ibang batch, sila nagoorganize lang before or after ng silver jubilee nila. Tayo heto, buong buo, maliban sa ilang ayaw irecognize ang legitimacy ng mga naunang nagtatag ng grupo. Well, ganun talaga ang buhay, you cant please everybody. Ang importante, wala tayong tinatapakan, marami tayong natutulungan, at tayo ang tinitingala ng ibang batch.

For everybody’s information na rin, kaluluklok lang ng new set of officers, ang ikatlong set mula ng magsimula talaga tayo noong 2004, o nung unang dalaw ni Earlvin at ng unang itatag ang Busko91 basketball team. Kaya suportahan natin sila, suportahan nating ang busko91 na Bosco91 na, kasi naunahan tayo ng Pampanga sa pangalan. This is a working organization, a working democracy, and we are growing and evolving as a beautiful model of what a band of batchmates turned bradirs ought to be.

Long live Bosco 91!  Ahoo! Ahoo! Ahoo!

About the Author